MENU
Philippine Standard Time:
Los Baños Commemorated the 81st Anniversary of the Liberation of Los Baños Internment Camp, honoring heroes and wartime sacrifices (February 23, 2026)
Published date: Feb 23, 2026
Los Baños Commemorated the 81st Anniversary of the Liberation of Los Baños Internment Camp, honoring heroes and wartime sacrifices (February 23, 2026)

Nakiisa ang Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa paggunita ng ika-81 taong anibersaryo ng pagpapalaya sa bilangguang kampo ng Los Baños, na ginanap nitong Pebrero 23, 2026 (Lunes) sa Charles Fuller Baker Memorial Hall. Ang makasaysayang okasyong ito ay pag-alala sa matagumpay na pagpapalaya ng Los Baños Internment Camp noong Pebrero 23, 1945 mula sa mga puwersa ng Hapon sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig, bilang pagpaparangal sa kabayanihan at sakripisyo ng mga sundalo, beterano, at bihag, at bilang mahalagang aral at inspirasyon para sa kasalukuyang henerasyon.

Isinagawa ang pag-aalay ng bulaklak sa dambana bilang pagpupugay sa mga bayani, na pinangunahan nina Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, Hon. Vice Mayor Marlo PJ Alipon, at mga miyembro ng Sangguniang Bayan. Nakiisa rin sa seremonya sina UPLB Chancellor Dr. Jose V. Camacho Jr., kinatawan ni Hon. Governor Marisol “Sol” Aragones-Sampelo, kinatawan ni 2nd District Congressman Hon. Ramil L. Hernandez, G. Eulogio V. Catabaran III ng Philippine Veterans Bank, Gng. Maria Rosela H. De Ocampo ng Hunters ROTC Guerillas Inc, G. Regalado Trota Jose Jr. ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas, MGen Romeo D. Alamillo (AFP Ret) ng Veterans Federation of the Philippines, ang nag-iisang natitirang beterana ng kampo na si Sophia Tidon, at iba pang kinatawan ng mga samahan ng beterano at kanilang mga inapo, patunay ng patuloy na pagpapahalaga sa pamana ng kagitingan.

Naghatid ng mga makabuluhang mensahe sina UPLB Chancellor Camacho, Hon. Mayor Nocon, kinatawan ni Gob Sol Aragones, Philippine Veterans Bank President Cabataran, at Vice Mayor Alipon, na pawang nagbigay-pugay sa katapangan at pagkakaisa ng mga nagbuwis ng buhay para sa kalayaan. Itinampok bilang pangunahing tagapagsalita si G. David Ingles ng Hunters ROTC Guerillas Inc., na nagbahagi ng pagtanaw sa kasaysayan bilang gabay sa makabayan at makataong lipunan. Sa sama-samang pag-alala, muling pinagtibay ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños ang pangakong panatilihing buhay ang alaala ng kabayanihan at ipasa sa susunod na henerasyon ang diwa ng tapang at pagmamahal sa bayan.

#81stLiberationOfLBInternmentCamp

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 446 Total Views

Related:


;