Weekly Flag Raising Ceremony (last Monday of February 2026)
Ang pagtataas ng watawat sa huling Lunes ng Pebrero 2026 sa Pamahalaang Bayan ng Los Baños na pinamumunuan ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, ay pinangasiwaan ng Department of Interior and Local Government (DILG) Los Baños sa pangunguna ni MLGOO Michiko R. Escalante.
Sa programa, ibinahagi nina PCPT Christian Rex S. De Guzman ng PNP Los Baños, at LGOO IV Eden Gesmundo bilang kinatawan ni DILG Laguna Cluster Head Maria Marilyn Manrique, ang mahahalagang tagumpay at mga kasalukuyang programa ng kanilang tanggapan na nakatuon sa pagpapaigting ng kaayusan, kaunlaran, at mabuting pamamahala sa kanilang nasasakupan. Ipinakilala rin ng LOBEMCO Election Committee ang mga kandidato para sa Board of Directors sa darating na 2026 Elections. Samantala, nagpaabot naman ng mensahe si Hon. Councilor Jay Rolusta sa ngalan nila Hon. Mayor Neil Andrew Nocon at Hon. Vice Mayor Marlo PJ Alipon, upang pagtibayin ang patuloy na dedikasyon at malasakit sa panibagong linggo ng serbisyo publiko.
Nakiisa sa makabuluhang seremonya ang iba pang miyembro ng Sangguniang Bayan, mga Department at Unit Heads, at mga kawani ng pamahalaan, bilang sama-samang pagpapahayag ng pagkakaisa at pangakong higit pang pag-ibayuhin ang serbisyong tapat, makatao, at diretso sa tao, para sa bayan ng Los Baños.
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
