MENU
Philippine Standard Time:
National Arts Month Songwriting Competition x Los Baños Sunset at the Park feat Bossa Nova and Jazz of Marlon and Ira (February 20, 2026)
Published date: Feb 21, 2026
National Arts Month Songwriting Competition x Los Baños Sunset at the Park feat Bossa Nova and Jazz of Marlon and Ira (February 20, 2026)

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Arts Month 2026 na may temang “Ani ng Sining: Katotohanan at Giting,” matagumpay na ginanap ang Songwriting Competition nitong Pebrero 20, 2026 (Biyernes) sa General Paciano Rizal Park. Ang programa ay handog ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon, sa pamamagitan ng Municipal Tourism Office, bilang pagkilala at suporta sa lokal na talento sa larangan ng musika at malikhaing sining.

Matapos ang Sunset at the Park, kung saan naghandog ng feel-good performances ng Bossa Nova at Jazz sina Marlon at Ira, muling pinuno ng musika ang gabi sa Songwriting Competition. Ipinamalas ng mga kalahok ang kanilang husay sa paglikha ng mga orihinal na awitin na sumasalamin sa katotohanan, tapang, at damdamin ng komunidad.

Ang mga binuong komposisyon ay hindi lamang simpleng awitin kundi mga salaysay na puno ng emosyon, mga himig na naramdaman at mga salitang naging tinig ng puso at karanasan. Sa pamamagitan ng ganitong inisyatiba, patuloy na pinatutunayan na ang sining ay hindi lamang aliw, kundi liwanag, lakas, at inspirasyon na nagbibigay-buhay sa bayan ng Los Baños.

#NationalArtsMonth2026

#SongwritingCompetition

#SunsetAtThePark

#GeneralPacianoRizalPark

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 372 Total Views

Related:


;