Toyota Los Baños officially opened with support from local leaders, boosting local economy and private sector partnership (February 20, 2026)
Personal na sinuportahan ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon, kasama si Hon. Vice Governor JM Carait, ang opisyal na pagbubukas ng Toyota Los Baños nitong Pebrero 20, 2026 (Biyernes), bilang patunay ng patuloy na pagtangkilik sa mga negosyo at inisyatibong nagpapalago sa lokal na ekonomiya ng bayan. Sa makulay at matagumpay na seremonya, opisyal na ipinakilala ng Toyota Motor Philippines at ng nasabing dealership ang kanilang komprehensibong serbisyo para sa mga mamamayan, mula sa pagbebenta ng mga de-kalidad na sasakyan hanggang sa maaasahang after-sales support. Layunin nitong maghatid ng mas accessible at dekalidad na serbisyo sa transportasyon para sa mga Los Bañense at karatig na komunidad.
Ang pagbubukas ng Toyota Los Baños ay sumasalamin sa masiglang pagtutulungan ng lokal na pamahalaan at pribadong sektor para sa paglikha ng trabaho, pagpapalago ng negosyo, at pagpapasigla ng ekonomiya sa bayan. Inaanyayahan ang publiko na bisitahin ang kanilang showroom sa Brgy. Maahas, Los Baños, Laguna.
#ToyotaLosBañosOpening
#MunicipalityOfLosBaños
#SerbisyongDiretsoSaTao
#AbanteLosBaños
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
