MENU
Philippine Standard Time:
Ugnayan: Serbisyong Diretso sa Tao Program celebrated senior citizens of Los Baños with colorful tribute and services (February 20, 2026)
Published date: Feb 21, 2026
Ugnayan: Serbisyong Diretso sa Tao Program celebrated senior citizens of Los Baños with colorful tribute and services (February 20, 2026)

Puno ng kulay, saya, at walang kupas na enerhiya ang “Ugnayan: Serbisyong Diretso sa Tao” para sa mga senior citizen ng Los Baños na ginanap nitong Pebrero 20, 2025 (Biyernes) sa CPP Memorial Stadium and Evacuation Center sa pangunguna ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon. Ang aktibidad ay nagsilbing makabuluhang selebrasyon ng pasasalamat at pagkilala sa mahalagang ambag ng mga nakatatanda sa komunidad. Sa kanyang mensahe, ibinahagi ng Punong Bayan ang mga naisakatuparang programa at patuloy na inisyatiba ng Pamahalaang Bayan na naglalayong pangalagaan, palakasin, at bigyang-halaga ang kapakanan ng mga lolo at lola sa Los Baños.

Umalingawngaw ang masigabong palakpakan sa makulay na 60s era attire ng mga kalahok sa “Parade of Stars,” kung saan itinampok ang Best in Costume mula sa iba’t ibang barangay. Lalong nagningning ang programa sa espesyal na pagtatanghal na naghatid ng nostalgia at saya, muling binuhay ang mga klasikong awitin at diwa ng ginintuang dekada ’60. Sa kabuuan ng pagdiriwang, muling pinatunayan na sa Los Baños, ang serbisyo, malasakit, at kasiyahan ay walang pinipiling edad, sapagkat ang mga senior citizen ay tunay na bituin at mahalagang haligi ng komunidad.

#UgnayanSerbisyongDiretsoSaTao

#SeniorCitizensOfLosBaños

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 361 Total Views

Related:


;