MENU
Philippine Standard Time:
Municipality of Llorente conducted Benchmarking and Learning Visit in Los Baños to learn Best Gender and Development (GAD) Practices of the Municipality of Los Baños (February 20, 2026)
Published date: Feb 20, 2026
Municipality of Llorente conducted Benchmarking and Learning Visit in Los Baños to learn Best Gender and Development (GAD) Practices of the Municipality of Los Baños (February 20, 2026)

Masayang bumisita ang Municipality of Llorente, Eastern Samar sa Pamahalaang Bayan ng Los Baños nitong Pebrero 20, 2026 (Biyernes) para sa isang Benchmarking and Learning Visit kaugnay ng Best GAD Practices ng bayan. Sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon at sa pamamagitan ng Gender and Development Office na pinangungunahan ni GAD Officer Karen Lagat Mercado, ibinahagi ng Los Baños ang mga pangunahing polisiya at mekanismo nito sa gender mainstreaming, kabilang ang integrasyon ng GAD sa lokal na pagpaplano at pagbibigay ng gender-responsive services.

Pinangunahan ang delegasyon nina Municipality of Llorente Hon. Mayor Christine Cardona at Hon. Vice Mayor Jonnie Condrada, kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan at mga kawani ng kanilang lokal na pamahalaan, upang mapagtibay ang kaalaman at estratehiya sa epektibong pagpapatupad ng Gender and Development (GAD) programs sa kanilang bayan. Ang aktibidad ay malinaw na patunay ng matatag na pagkilala sa Los Baños bilang nangungunang huwaran sa epektibo, inklusibo, at sustenableng pagpapatupad ng mga programa na nagsusulong ng tunay at pangmatagalang pantay na pag-abante ng bayan.

#BenchmarkingAndLearningVisit

#BestGADpractices

#MunicipalityOfLlorenteEasternSamar

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 385 Total Views

Related:


;