MENU
Philippine Standard Time:
On-the-Spot Painting Contest – Still Life Category held in celebration of National Arts Month 2026 showcasing young artists’ creativity in Los Baños (February 19, 2026)
Published date: Feb 20, 2026
On-the-Spot Painting Contest – Still Life Category held in celebration of National Arts Month 2026 showcasing young artists’ creativity in Los Baños (February 19, 2026)

Bilang pagdiriwang ng National Arts Month 2026, matagumpay na isinagawa ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, katuwang ang Municipal Tourism Office, ang On-the-Spot Painting Contest – Still Life Category nitong Pebrero 19, 2026. Nilahukan ito ng mga mag-aaral mula sa iba’t ibang high school at senior high school sa bayan. Ang patimpalak ay nagbigay-pugay sa kahalagahan ng sining bilang daluyan ng malikhaing pagpapahayag, kultura, at pagkakakilanlan ng komunidad. Sa pamamagitan ng aktibidad na ito, nabigyan ang mga kabataang kalahok ng pagkakataong maipakita ang kanilang talento at malikhaing kakayahan sa isang pampublikong plataporma.

Ipinamalas ng mga kalahok ang kanilang natatanging galing, malalim na imahinasyon, at personal na estilo sa sining sa pamamagitan ng makukulay at makabuluhang obra na sumasalamin sa kanilang pananaw at damdamin. Naging makulay at inspirasyonal ang paligsahan na nagpatunay sa patuloy na pagyabong ng sining sa bayan ng Los Baños. Mainit na pagbati sa lahat ng nagwagi:

🥇1ST PLACE: Lois P. Villareiz (TRACE College)

🥈2ND PLACE: Shamsey Comedia (LBIS)

🥉3RD PLACE: MJ A. Castor (St. Anthony School LB)

Higit pa sa pagiging isang patimpalak, ito ay naging makabuluhang entablado ng husay at pagkamalikhain ng kabataang Los Bañense, at malinaw na patunay ng patuloy na suporta ng lokal na pamahalaan sa pagpapaunlad ng sining at kultura sa Bayan ng Los Baños.

#NationalArtsMonth2026

#OnTheSpotPaintingContest

#StillLife

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 382 Total Views

Related:


;