MENU
Philippine Standard Time:
ISANG SET NG BAMBOO-ABACA HANDS-FREE SANITIZER DISPENSER AND FOOTBATH PROTOTYPE AT SAMPUNG PIRASONG BAMBOO FACESHIELD IPINAGKALOOB NG FPDRI DOST SA PAMAHALAANG BAYAN NG LOS BAÑOS
Published date: Jul 8, 2021
ISANG SET NG BAMBOO-ABACA HANDS-FREE SANITIZER DISPENSER AND FOOTBATH PROTOTYPE AT SAMPUNG PIRASONG BAMBOO FACESHIELD IPINAGKALOOB  NG FPDRI DOST SA PAMAHALAANG BAYAN NG LOS BAÑOS

Pormal na tinanggap kahapon sa isinagawang turn-over ceremony ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pangunguna ni Mayor Antonio "Kuya Tony" L. Kalaw ang isang set ng Bamboo-Abaca Hands-Free Sanitizer Dispenser and Footbath Prototype at sampung (10) piraso ng Bamboo Faceshield na ipinagkaloob ng Forest Products Research and Development Institute (FPRDI) ng Department of Science and Technology (DOST).

Ang pagkakaloob ng Bamboo-Abaca Hands-Free Sanitizer Dispenser and Footbath Prototype at mga Bamboo Faceshield ay bahagi ng pagdiriwang ng FPRDI ng kanilang ika-64 na Anibersaryo na may temang "Pagbangon at Pag-asa sa Panahon ng Pandemya" kung saan tampok ang kanilang eco-friendly equipment na angkop na gamitin sa panahon ng pandemya dulot ng COVID-19.

Layunin din ng FPRDI DOST na mai-promote ang paggamit ng lokal na materyales tulad ng kawayan at abaca sa paglikha ng mga kagamitan upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Malaki naman ang naging pasasalamat ni Mayor Kalaw sa ahensya dahil isa ang Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa napili nilang maging benepisyaryo ng naturang mga kagamitan na kasalukuyan nang ginagamit ng ating Munisipyo sa pag-sanitize ng mga pumapasok rito.

Dagdag pa niya, katuwang ng FPRDI DOST ang pamahalaang bayan sa pagpapakilala ng mga kagamitan at produktong maaari nating magamit panlaban sa COVID-19 na nakatutulong sa pagprotekta at pagsasaalang-alang sa ating kalikasan.

 124 Total Views

Related: