Liga ng mga Barangay meeting (February 19, 2026)
Isinagawa ang pulong ng Liga ng mga Barangay nitong Pebrero 19, 2026 (Miyerkules) sa Municipal Conference Room upang talakayin ang mga hakbang para sa maagap at epektibong pagpapanatili ng seguridad at kaligtasan sa ating bayan. Dumalo sa pulong sina Hon. Councilor Jay Rolusta, ABC President Gaudencio Macatangay, mga opisyal ng iba’t ibang barangay, mga kinatawan ng Philippine National Police (PNP), at mga kawani ng pamahalaan.
Pinagtibay sa talakayan ang kahalagahan ng mas pinaigting na koordinasyon, information sharing, at mahigpit na pagpapatupad ng mga umiiral na ordinansa at batas upang maiwasan ang mga aktibidad na maaaring magdulot ng panganib sa komunidad. Patuloy ang panawagan ng Liga ng mga Barangay para sa pagkakaisa at aktibong partisipasyon ng bawat sektor sa pagpapanatili ng Kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan sa ating bayan.
#LigaNgMgaBarangay
#MunicipalityOfLosBaños
#SerbisyongDiretsoSaTao
#AbanteLosBaños
Related:
-
Most Viewed Article
