The Municipality of Los Baños received a Plaque of Recognition from DENR PENRO Laguna for environmental initiatives and strong partnership in environmental protection (February 19, 2026)
Isang Plaque of Recognition ang iginawad sa Pamahalaang Bayan ng Los Baños, na buong galak na tinanggap ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon mula sa Department of Environment and Natural Resources – PENRO Laguna sa pangunguna ni PENRO Venerando Garcia, sa ginanap na Provincial Stakeholders’ Consultation Meeting CY 2026 nitong Pebrero 19, 2026 (Huwebes) sa Auravel Grande Hotel and Resort, Brgy. San Francisco, Calihan, San Pablo City. Ang pagkilalang ito ay iginawad bilang pagpupugay sa matatag at patuloy na pakikipag-ugnayan ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa Department of Environment and Natural Resources, gayundin bilang pasasalamat sa makabuluhang ambag nito sa pagpapatupad ng mga programa, proyekto, at inisyatibang pangkalikasan sa lalawigan ng Laguna.
Sa nasabing pagtitipon, kinilala ang aktibong partisipasyon ng Los Baños sa mga inisyatibong nakatuon sa pangangalaga ng kalikasan, konserbasyon ng likas-yaman, at pagpapalakas ng mga lokal na mekanismo para sa environmental protection. Binigyang-diin din ang kahalagahan ng tuloy-tuloy na kolaborasyon ng lokal na pamahalaan at mga pambansang ahensya sa pagharap sa mga hamong pangkapaligiran.
Ang parangal na ito ay patunay ng aktibong papel at dedikasyon ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pagsusulong ng pangangalaga sa kalikasan at likas-yaman, at sa patuloy na pakikiisa sa mga programang naglalayong mapanatili ang isang malinis, ligtas, at sustenableng kapaligiran para sa kasalukuyan at susunod na henerasyon.
#ProvincialStakeholdersConsultationMeeting
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
