MENU
Philippine Standard Time:
DILG IV-A and the Municipality of Los Baños conducted Training for Deputized Barangay Officials on Enforcement Functions to intensify law implementation at the community level (February 18, 2026)
Published date: Feb 18, 2026
DILG IV-A and the Municipality of Los Baños conducted Training for Deputized Barangay Officials on Enforcement Functions to intensify law implementation at the community level (February 18, 2026)

Sa pagtutulungan ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños at ng Department of the Interior and Local Government (DILG) IV-A, isinagawa ang Training of Deputized Barangay Officials on Enforcement Functions (BPSOs) nitong Pebrero 18, 2026 (Miyerkules) sa Municipal Multipurpose Hall. Layunin ng pagsasanay na higit pang palakasin ang kaalaman at kakayahan ng mga opisyal ng barangay sa epektibong pagpapatupad ng mga umiiral na batas at ordinansa sa bayan, bilang bahagi ng pagpapanatili ng kaayusan at disiplina sa komunidad.

Tinalakay dito ang mahahalagang paksa tulad ng Animal Welfare Act of 1998 (RA 8485 na inamyendahan ng RA 10631), Anti-Rabies Act of 2007, Municipal Ordinance No. 2015-1755, mga tungkulin at aktwal na sitwasyon ng Barangay Tanod, tamang proseso sa pag-isyu ng Ticket to Violator ng Task Force Kalikasan (TFK), at ang legal na batayan ng deputization at enforcement ng mga ordinansa ng bayan.

Sa pamamagitan n ito, mas pinagtibay ang koordinasyon at kapasidad ng mga barangay officials tungo sa mas maayos na pagpapatupad ng batas, kaligtasan ng komunidad, at responsableng pamamahala sa bawat barangay ng Los Baños.

#TrainingOfDeputizedBarangayOfficials

#BarangayPublicSafetyOfficers

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 633 Total Views

Related:


;