MENU
Philippine Standard Time:
United Architects of the Philippines (UAP) Laguna Chapter paid courtesy visit to the Municipality of Los Baños to promote heritage-conscious urban development (February 18, 2026)
Published date: Feb 18, 2026
United Architects of the Philippines (UAP) Laguna Chapter paid courtesy visit to the Municipality of Los Baños to promote heritage-conscious urban development (February 18, 2026)

Buong galak na tinanggap ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon, kasama sina Hon. Vice Mayor Marlo PJ Alipon at mga kawani ng Pamahalaang Bayan, ang mga opisyal ng United Architects of the Philippines (UAP) Laguna Chapter Regional District nitong Pebrero 18, 2026 (Miyerkules) sa Tanggapan ng ating Punong Bayan.

Sa isinagawang pagpupulong, tinalakay ang kahalagahan ng maingat na pagpaplano at pagpapanatili ng mga makasaysayang disenyo sa mga imprastraktura bilang bahagi ng pangangalaga sa kultura at pamanang pook ng Los Baños. Binigyang-diin ang balanse sa pagitan ng modernong kaunlaran at ang paggalang sa mga elementong historikal na humuhubog sa natatanging identidad ng bayan. Tinalakay rin ang mga posibleng collaborative initiatives sa pagitan ng lokal na pamahalaan at ng mga arkitekto upang masiguro na ang mga susunod na proyekto ay magiging makabago, ligtas, at sensitibo sa kultural na pamana ng komunidad.

Inaasahang magpapalakas pa dahil sa naturang ugnayan ang adhikain ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños na isulong ang maayos at makasaysayang urban development para sa kapakinabangan ng kasalukuyan at susunod na henerasyon.

#UnitedArchitectsOfThePhilippines

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 

 

 444 Total Views

Related:


;