MENU
Philippine Standard Time:
Los Baños Sunset at the Park feat. open mic performances (February 15, 2026)
Published date: Feb 16, 2026
Los Baños Sunset at the Park feat. open mic performances (February 15, 2026)

“Love is in the air” sa isinagawang Los Baños Sunset at the Park nitong Pebrero 15, 2026 (Linggo) sa General Paciano Rizal Park, handog ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon. Dumagsa ang mga pamilya, barkada, bisita, at magkapareha upang makiisa sa isang masayang hapon hanggang gabing selebrasyon na naghatid ng pagkakaisa at positibong enerhiya sa komunidad. Tampok sa programa ang mga open mic performances na nagbigay ng aliw at damdaming punô ng saya at harana para sa lahat ng dumalo.

Naging buhay na buhay ang paligid sa walang humpay na kantahan, kwentuhan, kainan, at tawanan na nagpatibay ng samahan ng mga Los Bañense at bisita. Ang naturang pagtitipon ay nagsilbing makabuluhang pagkakataon upang ipagdiwang ang sama-samang presensya ng komunidad sa isang ligtas at masayang pampublikong espasyo. Sa kabuuan, ang Los Baños Sunset at the Park ay muling naging matagumpay na pagdiriwang ng pagkakaisa, pagmamahalan, at masayang pamumuhay sa bayan ng Los Baños.

#SunsetAtThePark

#GeneralPacianoRizalPark

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 320 Total Views

Related:


;