MENU
Philippine Standard Time:
Gawad Punla Ceremony recognized Los Baños’ support for education through Active Stakeholder Award and Plaque of Appreciation (February 13, 2025)
Published date: Feb 16, 2026
Gawad Punla Ceremony recognized Los Baños’ support for education through Active Stakeholder Award and Plaque of Appreciation (February 13, 2025)

Bilang pagkilala sa dedikasyon, kooperasyon, at makabuluhang ambag sa mga programang pang-edukasyon, iginawad ang isang Plaque of Appreciation kay Hon. Mayor Neil Andrew Nocon at kinilala bilang Active Stakeholder sa ginanap na Gawad Punla ng Los Baños Bayog Senior High School na may temang “Recognizing Excellence, Inspiring Greatness” nitong Pebrero 13, 2025 (Biyernes) sa CPP Memorial Stadium and Evacuation Center.

Sa naturang parangal, kinilala ang mahalagang papel ni Mayor Nocon sa patuloy na pagsusulong ng mga programang pang-edukasyon at pagbibigay-suporta sa mga inisyatibang nakatuon sa kapakanan at pag-unlad ng mga mag-aaral. Ang pagkilalang ito ay patunay ng aktibong pakikibahagi ng lokal na pamahalaan sa pagpapalakas ng sektor ng edukasyon sa bayan ng Los Baños.

Kasabay nito, iginawad din ang Certificate of Appreciation kay Mayor Nocon bilang pagkilala sa kanyang natatanging suporta sa mga programang pang-edukasyon at sa pagbibigay-lakas sa kabataan. Kinilala rin sa nasabing pagtitipon ang iba’t ibang personalidad at samahan sa pamamagitan ng mga parangal tulad ng School Organization Leadership Award, Principal’s Excellence Award, Individual Awards, at Instructional Leadership Award, na sumasalamin sa sama-samang pagsisikap na itaguyod ang liderato, kahusayan, at makabuluhang pagkatuto sa larangan ng edukasyon sa Los Baños.

#GawadPunla

#RecognizingExcellenceInspiringGreatness

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 449 Total Views

Related:


;