Dugong Bayani Blood Donation Activity held in Los Baños to build up blood supply and promote community bayanihan (February 15, 2026)
Patunay ng tunay na bayanihan at malasakit ang isinagawang Dugong Bayani Blood Donation Activity nitong Pebrero 15, 2026 (Linggo) sa Municipal Activity Area ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños. Ang programang ito ay handog ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon, sa pamamagitan ng Municipal Health Office na pinangungunahan ni Dr. Alvin Isidoro.
Sa pakikiisa ng mga boluntaryong donors at iba’t ibang katuwang na sektor, higit pang napalakas ang reserbang dugo ng bayan upang agarang matugunan ang pangangailangan ng mga pasyenteng kailangang masalinan. Naging maayos ang daloy ng aktibidad sa tulong ng mga health personnel at volunteer teams na tumiyak sa kaligtasan at kahandaan ng bawat donor. Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng nakiisa at nagbahagi ng kanilang oras at malasakit. Sa dugong kusang inialay, maraming buhay ang mabibigyan ng panibagong pag-asa at pagkakataong mabuhay.
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
