Weekly Flag Raising Ceremony (3rd Monday of February 2026)
Pinangunahan ng Barangay Bagong Silang sa ikatlong Lunes ng Pebrero 2026 ang pagtataas ng watawat ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon. Inilahad ni Punong Barangay Rogelio Delos Reyes ang mga naisakatuparan at patuloy na inisyatiba ng Barangay Bagong Silang na nakatuon sa mas episyente at inklusibong paghahatid ng serbisyo sa mamamayan.
Dumalo at naghatid ng mensahe ng suporta ang mga Provincial Board Members ng Ikalawang Distrito ng Laguna na sina Hon. Tutti Caringal at Hon. Ninoy Bagnes. Sa kanilang pahayag, kanilang ipinaabot ang patuloy na pakikiisa at suporta ng Pamahalaang Panlalawigan alinsunod sa direktiba ni Gob. Sol Aragones, sa mga programa at adhikain ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños.
Nakiisa rin sa seremonya ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan, mga Department at Unit Heads, ang DILG Family, at mga kawani ng pamahalaan, patunay ng nagkakaisang layunin na maisulong ang serbisyong diretso sa tao at ang tuloy-tuloy na pag-abante ng bayan ng Los Baños.
#WeeklyFlagRaisingCeremony
#MunicipalityOfLosBaños
#SerbisyongDiretsoSaTao
#AbanteLosBaños
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
