Regular inspection of Batong Malake Public Market rehabilitation to ensure orderly, clean, and safe trading environment (February 13, 2026)
Nagsagawa muli ng inspeksyon sa patuloy na pagsasaayos ng Batong Malake Public Market nitong Pebrero 13, 2026 (Biyernes) si Hon. Mayor Neil Andrew Nocon upang matiyak ang higit pang pagpapahusay ng kaayusan, kalinisan, at kaligtasan ng pamilihang bayan. Sa isinagawang pag-iikot, personal na tinutukan ng ating Punong Bayan ang mga kasalukuyang gawain sa rehabilitasyon at pagpapaganda ng pasilidad, kabilang ang maayos na daloy ng mga stall, kalinisan sa paligid, at seguridad ng mga mamimili at vendor. Hangad nitong masiguro na ang pamilihan ay magiging mas organisado, maayos, at ligtas para sa lahat ng gumagamit nito.
Sa sama-samang pagtutulungan, unti-unti nang nakikita ang makabuluhan at tuloy-tuloy na pagbabago sa sentrong kalakalan ng Los Baños. Ang proyektong ito ay bahagi ng inisyatibang palakasin ang lokal na ekonomiya at patuloy na maghatid ng mas kapaki-pakinabang, episyente, at serbisyong diretso para sa bawat mamamayang Los Bañense.
#BatongMalakePublicMarket
#RenovationInspection
#MunicipalityOfLosBaños
#SerbisyongDiretsoSaTao
#AbanteLosBaños
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
