MENU
Philippine Standard Time:
PAGPUPULONG SA PAGITAN NG EHEKUTIBO AT LEHISLATIBONG SANGAY NG PAMAHALAANG BAYAN NG LOS BAÑOS, ISINAGAWA NGAYONG ARAW
Published date: Jul 6, 2021
PAGPUPULONG SA PAGITAN NG EHEKUTIBO AT LEHISLATIBONG SANGAY NG PAMAHALAANG BAYAN NG LOS BAÑOS, ISINAGAWA NGAYONG ARAW

Pinangunahan ngayong araw ni Mayor Antonio "Kuya Tony" L. Kalaw at ng Sangguniang Bayan ang isinagawang Joint Meeting sa pagitan ng Kumite ng Ehekutibo at Lehislatibo ng ating pamahalaang bayan.

Kabilang sa mga tinalakay sa naturang pagpupulong ang ulat tungkol sa pamamahagi ng financial assistance mula sa Pamahalaang Nasyunal, patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bayan ng Los Baños at ang implementasyon ng pagtataas ng sahod ng mga Job Order employee sa ating Munisipyo.

Patuloy ang ating pamahalaang bayan sa pagpapatupad ng mga programa at pagbibigay ng serbisyo para sa ikabubuti ng ating bayan lalo na ngayong panahon ng pandemya at upang makatulong rin sa pagsasaayos sa antas ng pamumuhay ng ating mga mamamayan.

 132 Total Views

Related: