Art as Therapy: Light in Every Stroke painting workshop of the Alpha Phi Omega (APO) Philippines Inc. Committee on Culture and Arts held for Senior High School htudents in Los Baños, promoting mental wellness through art (February 13, 2026)
Buong pusong dumalo at nagbigay-suporta si Hon. Mayor Neil Andrew Nocon sa “Art as Therapy: Light in Every Stroke” painting workshop ng Alpha Phi Omega Philippines Inc. Committee on Culture and Arts para sa senior high school students nitong Pebrero 13, 2026 sa Dalampasigan, Los Baños, Laguna.
Itinampok sa naturang gawain ang sining bilang makabuluhang daluyan ng pagpapahayag ng damdamin at bilang instrumento sa pagpapatibay ng mental at emosyonal na kalagayan ng kabataan. Sa pamamagitan ng guided painting sessions, nabigyan ang mga mag-aaral ng espasyo upang mailabas ang kanilang kreatibidad at personal na karanasan sa paraang makabuluhan at therapeutic.
Isinagawa ang programa katuwang ang iba’t ibang Alpha Phi Omega Philippines Inc. alumni organizations at ang Pamahalaang Bayan ng Los Baños. Sa pagtatapos ng aktibidad, ginawaran si Mayor Nocon ng Certificate of Appreciation bilang pagkilala sa kanyang mahalagang ambag at aktibong pakikiisa, na sumasalamin sa patuloy na suporta sa mga proyektong humuhubog, nagbibigay-lakas, at nagbibigay-asa sa kabataan sa pamamagitan ng sining.
#ArtAsTherapy
#LightInEveryStroke
#AlphaPhiOmega
#APOCommitteeOnCultureAndArts
#MunicipalityOfLosBaños
#SerbisyongDiretsoSaTao
#AbanteLosBaños
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
