Los Baños Sunset at the Park feat. Rendel, Herbert, at Jasmine (February 13, 2026)
Naging ultimate hangout spot ang General Paciano Rizal Park nitong Pebrero 13, 2026 (Biyernes) sa “Los Baños Sunset at the Park,” handog ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon. Masiglang dinumog ng mga mamamayan at bisita ang programa kung saan tampok ang masayang ambiance ng sunset gathering na layuning magbigay ng libreng pampublikong espasyo para sa pahinga, bonding, at community interaction. Naging sentro ng kasiyahan ang makulay na gabi na pinagsama ang musika, liwanag, at preskong hangin sa parke.
Level-up ang kilig at energy ng gabi sa electrifying performances nina Rendel, Herbert, at Jasmine na naghatid ng sweet, upbeat, at crowd-favorite love songs. Mula sa mga malamyos na awitin hanggang sa masiglang tugtugan, naghatid ang programa ng hindi malilimutang karanasan para sa lahat ng dumalo. Sa kabuuan, ang “Los Baños Sunset at the Park” ay naging matagumpay na pagtitipon na nagpatibay ng diwa ng komunidad, kasiyahan, at sama-samang paglikha ng mas makulay na buhay-pampubliko sa bayan ng Los Baños.
#SunsetAtThePark
#GeneralPacianoRizalPark
#MunicipalityOfLosBaños
#SerbisyongDiretsoSaTao
#AbanteLosBaños
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
