MENU
Philippine Standard Time:
Steering Committee for the Los Baños Council for History, Culture, and Arts 2026–2028 formally organized to advance local cultural development (February 13, 2026)
Published date: Feb 15, 2026
Steering Committee for the Los Baños Council for History, Culture, and Arts 2026–2028 formally organized to advance local cultural development (February 13, 2026)

Pinangunahan ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon, sa pamamagitan ng Los Baños Tourism Office, ang pagbubuo ng Steering Committee ng Los Baños Council for History, Culture and Arts para sa taong 2026–2028 nitong Pebrero 13, 2026 (Biyernes) sa Municipal Conference Hall. Pinagtibay sa pagpupulong ang mahalagang papel ng konseho sa pangangalaga, pagpapaunlad, at pagpapalaganap ng kultura at sining sa bayan ng Los Baños. Tinalakay din ang magiging direksyon ng mga programa at inisyatiba na nakatuon sa pagpapalakas ng lokal na identidad, malikhaing industriya, at pagpapahalaga sa mayamang kasaysayan ng komunidad. Dumalo rin si Hon. Leren Mae Bautista bilang Chairperson ng Tourism, Culture and Arts, na nagbigay-suporta sa mga inisyatibang naglalayong higit pang pasiglahin ang sektor ng kultura at sining sa bayan.

Sa pamamagitan ng inisyatibang ito, inaasahang mas mapag-iibayo ang pagpapatupad ng mga programang magpapalakas sa malikhaing sektor at magtataguyod sa mayamang pamana ng bayan, tungo sa mas masigla, makabuluhan, at inklusibong cultural development sa Los Baños.

#LosBañosCouncilForCultureAndArts

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 345 Total Views

Related:


;