MENU
Philippine Standard Time:
Seminar-Workshop on the formulation of the Barangay Gender and Development (GAD) Budget and Plan for 2027 held to enhance gender-responsive planning in Los Baños (February 13, 2026)
Published date: Feb 15, 2026
Seminar-Workshop on the formulation of the Barangay Gender and Development (GAD) Budget and Plan for 2027 held to enhance gender-responsive planning in Los Baños (February 13, 2026)

Isinagawa ang Seminar-Workshop sa pormulasyon ng Barangay Gender and Development (GAD) Budget and Plan para sa taong 2027 nitong Pebrero 13, 2026 (Biyernes) sa Municipal Multipurpose Hall. Sa pangunguna ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon, sa pamamagitan ng Gender and Development Office sa pangunguna ni Ms. Karen L. Mercado, pinalakas ng aktibidad ang kakayahan ng mga opisyal ng barangay sa maayos, sistematiko, at gender-responsive na pagpaplano at pagba-budget.

Sa seminar-workshop, tinalakay ang tamang proseso ng pagbuo ng GAD Plan and Budget, kabilang ang wastong paglalaan ng pondo batay sa aktuwal na pangangailangan ng komunidad. Binigyang-diin din ang kahalagahan ng paglikha ng mga programang tumutugon sa kapakanan ng kababaihan, kalalakihan, kabataan, at iba pang sektor, alinsunod sa prinsipyo ng pantay na oportunidad at inklusibong pamamahala. Ang inisyatiba ay bahagi ng patuloy na hakbang ng lokal na pamahalaan tungo sa mas inklusibo, epektibo, at tunay na serbisyong diretso sa tao sa buong bayan ng Los Baños.

#BarangayGPBformulation

#GenderAndDevelopmentBudgetAndPlan

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 391 Total Views

Related:


;