MENU
Philippine Standard Time:
MGLB joined the DENR Tree Hugging Activity at Makiling Botanical Garden promoting environmental awareness and forest conservation (February 12, 2026)
Published date: Feb 15, 2026
MGLB joined the DENR Tree Hugging Activity at Makiling Botanical Garden promoting environmental awareness and forest conservation (February 12, 2026)

Buong galak na nakiisa si Hon. Mayor Neil Andrew Nocon sa Tree Hugging Activity na isinagawa ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) nitong Pebrero 12, 2026 (Miyerkules) sa Makiling Botanical Garden, University of the Philippines Los Baños (UPLB), Los Baños, Laguna.

Ang naturang kampanya ay nagtaguyod ng pangangalaga sa kagubatan, pagpapalalim ng kamalayan sa kahalagahan ng kalikasan, at pagpapakita ng benepisyo ng tree hugging sa kalusugan at kapakanan ng tao. Layunin din nitong palakasin ang pagmamahal at responsibilidad ng publiko sa pangangalaga ng kapaligiran.

Itinampok sa aktibidad ang mga Heritage Trees na may taglay na medicinal at therapeutic value, gayundin ang mga punong nagbibigay ng lilim, malinis na hangin, at espasyo para sa katahimikan at pagninilay. Sa pamamagitan ng gawaing ito, muling pinagtibay ang sama-samang pangako ng pamahalaan at mga katuwang na institusyon sa sustainable forest management at sa pagsusulong ng mas malusog at balanseng kapaligiran para sa lahat.

#TreeHuggingActivity

#TreeHuggingCampaign

#FMBTreeHuggingCampaign2026

#PunoNgPagmamahal

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 325 Total Views

Related:


;