MENU
Philippine Standard Time:
Laguna State Polytechnic University (LSPU) - Los Baños Campus officials conducted courtesy visit to the Municipality of Los Baños to heighten Academe and LGU Collaboration (February 12, 2026)
Published date: Feb 13, 2026
Laguna State Polytechnic University (LSPU) - Los Baños Campus officials conducted courtesy visit to the Municipality of Los Baños to heighten Academe and LGU Collaboration (February 12, 2026)

Pormal na dumalaw sa Tanggapan ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon ang mga opisyal at kawani ng Laguna State Polytechnic University (LSPU) – Los Baños Campus sa pamumuno ni Dr. Darwin D. Ofrin, Campus Director, nitong Pebrero 12, 2026 (Huwebes). Tinalakay dito ang mga konkretong programa at posibleng kolaborasyon sa pagitan ng unibersidad at ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños, partikular sa larangan ng edukasyon, community extension services, at iba’t ibang inisyatibang direktang makikinabang ang mga mamamayan. Binigyang-diin din ang pagpapalakas ng ugnayan upang higit pang mapalawak ang abot ng mga akademikong programa sa bayan.

Ipinahayag naman ni Mayor Nocon ang kahandaan ng Pamahalaang Bayan na suportahan ang mga proyekto ng Laguna State Polytechnic University, habang pinagtibay din ng unibersidad ang kanilang aktibong pakikilahok sa mga lokal na programa bilang bahagi ng kanilang tungkuling akademiko at serbisyong pampamayanan. Patunay ito ng matibay na ugnayan sa pagitan ng akademya at pamahalaan, na naglalayong isulong ang mas inklusibo at pangmatagalang kaunlaran para sa bayan ng Los Baños.

#LSPULB

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 519 Total Views

Related:


;