MENU
Philippine Standard Time:
1st Municipal Nutrition Committee (MNC) meeting held to reinforce nutrition programs and BIDANI MTAC initiatives in Los Baños (February 10, 2026)
Published date: Feb 13, 2026
1st Municipal Nutrition Committee (MNC) meeting held to reinforce nutrition programs and BIDANI MTAC initiatives in Los Baños (February 10, 2026)

Matagumpay na isinagawa ang 1st Municipal Nutrition Committee (MNC) meeting nitong Pebrero 10, 2026 (Martes) ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon, sa pamamagitan ng Municipal Nutrition Action Office sa pangunguna ni Municipal Nutrition Action Officer Madeleine Alforja.

Sa pulong, masusing tinalakay ang mga naisakatuparang programa para sa mga buwan ng Enero at Pebrero, gayundin ang mga nakalatag na inisyatiba mula Marso hanggang Hunyo. Kabilang din sa mga pangunahing agenda ang pagbuo ng BIDANI Municipal Technical Action Committee (MTAC) at ang planong pagsasagawa ng kaukulang pagsasanay para sa mga itatalagang miyembro nito upang higit na mapalakas ang implementasyon ng mga programang pangnutrisyon sa bayan.

Pinag-usapan din ang mga mekanismo para sa mas episyente at masusing monitoring ng mga nutrition-related interventions sa mga barangay, kasama ang pagpapalakas ng koordinasyon ng iba’t ibang ahensya at sektor upang masigurong naaabot ang target na benepisyaryo ng mga programa. Sa sama-samang pagtutulungan, patuloy ang pagpapatibay ng mga programang pangnutrisyon upang maisulong ang mas episyente, sustenable, at umaabanteng serbisyong pangkalusugan para sa bawat pamilyang Los Bañense.

#1stMunicipalNutritionCommittee

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 488 Total Views

Related:


;