2nd Gender and Development (GAD) Focal Point System (GFPS) Los Baños Executive Committee meeting held in preparation for National Women’s Month 2026 and finalization of CY 2025 GAD Accomplishments (February 11, 2026)
Ginanap ang 2nd Gender and Development (GAD) Focal Point System (GFPS) Executive Committee meeting ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños nitong Pebrero 11, 2025 (Miyerkules) sa Municipal Conference Room. Sa naturang pulong, aktibong tinalakay ang mga paghahanda para sa nalalapit na National Women’s Month 2026 at ang pagbuo ng Gender and Development (GAD) Accomplishment Report (AR) para sa Calendar Year 2025.
Sa pagpupulong, pinag-usapan ang mga inisyal na plano ng mga aktibidad para sa pagdiriwang ng Women’s Month, kabilang ang mga programang nagtataguyod ng kamalayan sa karapatan ng kababaihan, gender equality, at pagpapalakas ng partisipasyon ng kababaihan sa pamamahala at komunidad. Tinalakay rin ang mga kinakailangang datos at ulat upang matiyak ang kumpleto at maayos na pagsusumite ng GAD AR alinsunod sa mga pambansang pamantayan.
Ang Gender and Development Focal Point System ay patuloy na nagsisilbing mahalagang mekanismo ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pagsusulong ng gender-responsive governance, kung saan isinasama ang perspektiba ng pagkakapantay-pantay sa lahat ng programa, proyekto, at serbisyo ng lokal na pamahalaan. Patuloy naman ang pagsisikap ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños na isulong ang mga gender-responsive at inclusive programs tungo sa isang pantay-pantay, makatao, at mas mapagkalingang komunidad para sa lahat.
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
