Rizal Classrooms of the Future Core Group and Technical Working Group held 2nd meeting to advance project implementation (February 11, 2026)
Nagsagawa ng ikalawang pagpupulong ang Rizal Classrooms of the Future Core Group at Technical Working Group nitong Pebrero 11, 2025 (Miyerkules) sa Municipal Conference Room. Sa nasabing pagtitipon, tinalakay ang kasalukuyang kalagayan ng proyekto at ang mga susunod na hakbang upang matiyak ang maayos at matagumpay na implementasyon nito.
Sa pagpupulong, binigyang-pansin ang koordinasyon ng bawat kinatawan mula sa mga katuwang na institusyon, pati na rin ang pagrepaso sa mga kinakailangang teknikal at operational na detalye para sa pagpapatuloy ng proyekto. Tinalakay din ang mga hakbang upang mas mapabilis ang pagsasakatuparan ng mga target na gawain alinsunod sa itinakdang timeline.
Ang Rizal Classrooms of the Future ay isang inisyatiba ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon, na naglalayong magsulong ng makabago, teknolohikal, at komportableng mga silid-aralan upang higit pang mapabuti ang karanasan sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Ito ay bunga ng pinagsamang pagsisikap ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños (MGLB), Department of Education, University of the Philippines Open University (UPOU), University of the Philippines Los Baños (UPLB), at ng pribadong sektor. Ang patuloy na pagtutulungan ng mga stakeholder ay patunay ng kanilang dedikasyon sa modernisasyon ng edukasyon at sa pagbibigay ng mas mahusay na kinabukasan para sa mga kabataan ng Los Baños.
#CoreGroupAndTechnicalWorkingGroup
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
