MENU
Philippine Standard Time:
PNP-HPG Region 4A paid courtesy visit to the Municipality of Los Baños to intensify road safety and traffic coordination (February 11, 2026)
Published date: Feb 12, 2026
PNP-HPG Region 4A paid courtesy visit to the Municipality of Los Baños to intensify road safety and traffic coordination (February 11, 2026)

Bumisita sa Pamahalaang Bayan ng Los Baños ang hanay ng Philippine National Police- Highway Patrol Group (PNP-HPG) Region 4A sa pangunguna ng kanilang Chief na si Police Colonel Israel Mori. Sila ay mainit na sinalubong nina Hon. Mayor Neil Andrew Nocon at Hon. Councilor Aldous B. Perez bilang bahagi ng patuloy na pagpapatibay ng ugnayan at koordinasyon sa pagitan ng lokal na pamahalaan at ng kapulisan.

Sa pagbisita, tinalakay ang mga inisyatiba na may kinalaman sa pagpapanatili ng kaayusan sa kalsada, kaligtasan ng mga motorista, at mas pinaigting na pagpapatupad ng mga regulasyon sa trapiko sa loob ng bayan. Binigyang-diin din ang kahalagahan ng mabilis na komunikasyon at koordinadong aksyon sa pagitan ng lokal na pamahalaan at ng PNP-HPG upang masiguro ang ligtas na daloy ng transportasyon at proteksyon ng publiko.

Hangad ng Pamahalaang Bayan ang higit pang pagpapatibay ng ugnayan sa kapulisan at ang mas malalim na pagtutulungan sa iba’t ibang inisyatiba para sa kapakanan, kaligtasan, at kapayapaan ng bawat mamamayan ng Los Baños.

#PNPHPG

#HighwayPatrolGroup

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 754 Total Views

Related:


;