MENU
Philippine Standard Time:
Colegio de Los Baños (CDLB) Eagles Volleyball Teams paid courtesy visit to Mayor Nocon following their Division Athletic Meet success and Regional Meet Qualification (February 9, 2026)
Published date: Feb 11, 2026
Colegio de Los Baños (CDLB) Eagles Volleyball Teams paid courtesy visit to Mayor Nocon following their Division Athletic Meet success and Regional Meet Qualification (February 9, 2026)

Bumisita sa Tanggapan ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon ang Colegio de Los Baños (CDLB) Eagles Volleyball Girls and Boys Secondary Level nitong Pebrero 9, 2026 (Lunes). Sa naturang pagbisita, kinilala ni Mayor Nocon ang kahanga-hangang tagumpay ng koponan sa Division Integrated Athletic Meet, kung saan ipinamalas nila ang galing, disiplina, at matibay na teamwork sa larangan ng volleyball.

Sa pakikipagtagpo sa mga atleta at kanilang mga coach, ipinarating ni Mayor Nocon ang kanyang taos-pusong pagbati at patuloy na suporta sa koponan na nakatakdang lumahok sa Regional Athletic Meet sa Marso 9. Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng sipag, dedikasyon, at patuloy na pagsasanay bilang susi sa mas mataas na antas ng kompetisyon.

Muling pinagtibay ng lokal na pamahalaan ang matibay nitong paninindigan sa pagsusulong ng sports excellence at paghubog ng kabataan, bilang mahalagang puhunan sa paglinang ng disiplina, liderato, at karangalan ng bayan ng Los Baños.

#CDLBEaglesVolleyballTeam

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 487 Total Views

Related:


;