MENU
Philippine Standard Time:
Stakeholders’ Conference held for Laguna University’s 20th Anniversary for intensified LGU–Academe Collaboration (February 10, 2026)
Published date: Feb 11, 2026
Stakeholders’ Conference held for Laguna University’s 20th Anniversary for intensified LGU–Academe Collaboration (February 10, 2026)

Buong galak na dinaluhan at sinuportahan ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon nitong Pebrero 10, 2026 (Martes) ang Stakeholders’ Conference na ginanap sa Laguna Sports Complex Gymnasium bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-20 anibersaryo ng pagkakatatag ng Laguna University (LU). Ang selebrasyon ay isinagawa mula Pebrero 10–13, 2026 na may temang “LU’s Platinum Milestone: 20 Years of Steadfast Commitment to Building a Better Future.”

Sa naturang pagpupulong, tinalakay ang mga mahahalagang inisyatiba at kolaborasyon sa pagitan ng pamantasan at iba’t ibang stakeholder na nakatuon sa pagpapalakas ng kalidad ng edukasyon, pananaliksik, at serbisyong pangkomunidad. Itinampok din ang naging kontribusyon ng Laguna University sa pagpapaunlad ng human resource ng lalawigan sa loob ng dalawang dekada.

Ang aktibong pakikilahok ni Mayor Nocon ay patunay ng matibay na ugnayan ng lokal na pamahalaan at ng sektor ng edukasyon sa lalawigan, isang mahalagang hakbang tungo sa pangmatagalang kaunlaran at mas inklusibong pag-unlad para sa mga mamamayan ng Laguna.

#LagunaUniversityAt20

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 434 Total Views

Related:


;