Mayor Nocon attended the DA-BPI 96th Anniversary celebration highlighting the strengthening of the plant industry sector (February 11, 2026)
Personal na dumalo at nagpakita ng suporta si Hon. Mayor Neil Andrew Nocon sa pagdiriwang ng Ika-96 na Anibersaryo ng Department of Agriculture – Bureau of Plant Industry (DA-BPI) nitong Pebrero 11, 2026 (Miyerkules) na ginanap sa BPI Multipurpose Hall, Malate, Manila. Ang selebrasyon ay may temang “Buhayin, Payabungin, Ingatan,” na nagbibigay-diin sa pagpapaigting ng sektor ng paghahalaman at sa pagkilala sa mahalagang papel ng kababaihan at kabataan sa pagpapaunlad ng agrikultura.
Tampok dito ang mga programa at inisyatiba ng ahensya na naglalayong palakasin ang produksiyon ng mga pananim, isulong ang makabagong pamamaraan sa agrikultura, at tiyakin ang mas matatag na suplay ng pagkain sa bansa. Binigyang-pansin din ang kontribusyon ng iba’t ibang sektor sa patuloy na pag-unlad ng industriya ng paghahalaman bilang pundasyon ng seguridad sa pagkain.
Ang pakikilahok ni Mayor Nocon ay patunay ng kanyang matibay na dedikasyon sa pagsusulong ng agrikultura at ng patuloy niyang suporta sa mga programang naglalayong palakasin ang kabuhayan, kaunlaran, at seguridad sa pagkain sa bayan ng Los Baños, sa pamamagitan ng mas pinalawak na kooperasyon sa mga pambansang ahensya at sektor ng agrikultura.
#96thBPIAnniversary
#BuhayinPayabunginIngatan
#MunicipalityOfLosBaños
#SerbisyongDiretsoSaTao
#AbanteLosBaños
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
