Inauguration of the First Classroom Leasing Project at Don Manuel Rivera Memorial Integrated National High School Extension to address learning space needs in Laguna (February 9, 2026)
Personal na dumalo at nakikiisa si Hon. Mayor Neil Andrew Nocon sa isinagawang Inauguration ng First Classroom Leasing Project sa Don Manuel Rivera Memorial Integrated National High School Extension sa Brgy. Santa Clara Sur, Pila, Laguna nitong Pebrero 9, 2026 (Lunes), na pinangunahan ng Department of Education Secretary Hon. Sonny M. Angara. Kabilang sa naging bahagi ang pormal na seremonya ng pagputol ng ribbon at pag-inspeksyon sa bagong pasilidad na magsisilbing karagdagang silid-aralan para sa mga mag-aaral. Nagkaroon din ng maikling programa kung saan tinalakay ang kahalagahan ng Classroom Leasing Project bilang agarang tugon sa lumalaking pangangailangan sa mga learning spaces sa pampublikong paaralan.
Ipinahayag ng mga kinatawan ng pamahalaang nasyonal at lokal ang kanilang pagkakaisa sa pagsusulong ng dekalidad na edukasyon sa pamamagitan ng mas pinalawak na access sa maayos at ligtas na pasilidad ng pagkatuto. Binigyang-diin din ang kahalagahan ng tuloy-tuloy na kolaborasyon upang mapabuti ang kalagayan ng sektor ng edukasyon sa lalawigan. Ang aktibong pakikilahok ng pamahalaan ay patunay ng taos-pusong malasakit nito sa kapakanan ng kabataan at sa pagpapalakas ng sektor ng edukasyon. Sa pagtutulungan ng pambansa at lokal na pamahalaan, ang nasabing proyekto ay nagsisilbing konkretong hakbang upang matugunan ang kakulangan sa silid-aralan at matiyak na walang mag-aaral ang maiiwan sa landas ng pagkatuto at kaunlaran.
#BastaSaDonManuelLagingToTheNextLevel
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
