Mayor Nocon commended young local Tennis Champion Drake A. Garcia in his courtesy visit (February 6, 2026)
Malugod na tinanggap ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon nitong ika-6 ng Pebrero (Biyernes) ang pagbisita sa kanyang opisina ni Drake A. Garcia, mag-aaral ng Central Elementary School, Grade 5, na itinanghal bilang Kampeon sa Lawn Tennis sa ginanap na Division Integrated Athletic Meet (DIAM) noong Enero 15–17, 2026 sa Laguna Sports Complex.
Ipinahayag ng Punong Bayan ang kanyang pagbati at buong suporta kay Drake, na magsisilbing kinatawan ng Lalawigan ng Laguna sa darating na Regional Athletic Association Meet (RAAM) na gaganapin sa Marso 9–14, 2026. Ang tagumpay na ito ay patunay ng sipag, disiplina, at dedikasyon ng kabataang Los Bañense sa larangan ng palakasan.
Patuloy na sinusuportahan ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños ang kabataan sa akademya at palakasan, bilang bahagi ng kanilang komprehensibong pag-unlad at paghahanda para sa mas malawak na tagumpay.
#RegionalAthleticAssociationMeetRepresentative
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
