MENU
Philippine Standard Time:
Just Beginnings Learning Corp students gained governance insights in courtesy visit to Mayor Nocon (February 6, 2026)
Published date: Feb 9, 2026
Just Beginnings Learning Corp students gained governance insights in courtesy visit to Mayor Nocon (February 6, 2026)

Muling bumisita sa Tanggapan ng Punong Bayan si Hon. Mayor Neil Andrew Nocon ang mga mag-aaral ng Just Beginnings Learning Center Corporation nitong Pebrero 6, 2026 (Biyernes) bilang bahagi ng kanilang “Community Leaders at Their Workplace” activity. Sa pagbisitang ito, higit na napalalim ang kanilang kaalaman hinggil sa mga tungkulin at responsibilidad ng mga lider ng pamayanan, gayundin ang aktwal na operasyon at serbisyong isinasagawa ng lokal na pamahalaan ng Los Baños.

Sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan at pagbisita sa tanggapan ng alkalde, nagkaroon ang mga mag-aaral ng pagkakataong makita ang aktuwal na gawain ng isang lokal na opisyal sa pagtugon sa pangangailangan ng mamamayan at sa pagpapatakbo ng mga programang pangserbisyo publiko.

Bilang pagkilala at pasasalamat, iginawad ng Just Beginnings Learning Center Corporation ang isang Certificate of Appreciation kay Mayor Nocon bilang patunay ng kanilang taos-pusong pasasalamat sa patuloy nitong suporta, malasakit sa pagkatuto, at dedikasyon sa serbisyong diretso sa tao.

#JustBeginningsLearningCenterCorp

#CommunityLeadersAtTheirWorkplace

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 319 Total Views

Related:


;