Los Baños Sunset at the Park feat. Compere PaRanoia, CraniumOfficial, Oniichan, Coffee Sessions, Colaryen, and Leiona (February 7, 2026)
Saturday well spent ang Sunset at the Park na ginanap nitong Pebrero 7, 2026 (Sabado) sa General Paciano Rizal Park, kung saan pinainit ng Compere PaRanoia, CraniumOfficial, Oniichan, Coffee Sessions, Colaryen, at Leiona ang entablado sa pamamagitan ng kani-kanilang makulay at makabagbag-damdaming pagtatanghal, habang ang dapithapon naman ay nagbigay ng natural na aliwalas at ganda sa buong paligid.
Handog ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, sa pamamagitan ng Municipal Tourism Office at pakikipagtulungan ng The PIT Lifestyle Habits, ang naturang pagtitipon ay naging isang makulay na selebrasyon ng musika, kultura, at komunidad. Dama sa bawat sandali ang Los Baños pride, habang ang bawat performance ay naghatid ng sigla, inspirasyon, at saya sa mga dumalo.
Ang Sunset at the Park ay isang espasyong nagbubuklod sa lahat sa pamamagitan ng sining at musika, isang buhay na pagdiriwang ng pagkakaisa at masiglang kultura.
#SunsetAtThePark
#GeneralPacianoRizalPark
#MunicipalityOfLosBaños
#SerbisyongDiretsoSaTao
#AbanteLosBaños
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
