MENU
Philippine Standard Time:
Los Baños Sunset at the Park feat. Sunset Acoustic Jam (February 8, 2026)
Published date: Feb 9, 2026
Los Baños Sunset at the Park feat. Sunset Acoustic Jam (February 8, 2026)

Filled with warmth and feel-good vibes ang Sunset at the Park na ginanap nitong Pebrero 8, 2026 (Linggo) sa General Paciano Rizal Park. Umalingawngaw ang masiglang tugtugan ng Sunset Acoustic Jam habang sabay-sabay na nagtipon ang mga pamilya, kabataan, at bisita para sa isang gabing puno ng kantahan, kuwentuhan, at masayang pagsasama. Sa ilalim ng malamlam na ilaw at preskong simoy ng gabi, naging mas buhay ang parke sa bawat awitin at halakhak ng komunidad. Ang simpleng pagtitipon ay naging makabuluhang espasyo ng pahinga at koneksyon, kung saan naipapakita ang tunay na diwa ng pagkakaisa sa Los Baños.

Ganito ang Sunday night sa Los Baños: masaya, nagkakaisa, at puno ng musika. Sa bawat linggo, patuloy na inaabangan ang Sunset at the Park bilang isang programang nagbibigay-buhay sa sining, kultura, at samahan ng bawat Los Bañense. See you ulit next week!

#SunsetAtThePark

#GeneralPacianoRizalPark

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 349 Total Views

Related:


;