MENU
Philippine Standard Time:
Weekly Flag Raising Ceremony (2nd Monday of February 2026)
Published date: Feb 9, 2026
Weekly Flag Raising Ceremony (2nd Monday of February 2026)

Pinangunahan ng Municipal Budget Office ang lingguhang pagtataas ng watawat sa Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa ikalawang Lunes ng Pebrero 2026, sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon. Ibinahagi ni Acting Municipal Budget Officer Joyce Ann Mae L. Del Valle ang mga pangunahing tagumpay ng kanilang tanggapan kabilang ang budget preparation, fiscal discipline, at mahusay na pamamahala ng pondo, na nagsusulong ng episyenteng serbisyo publiko.

Samantala, nag-anyaya si Municipal Health Officer Dr. Alvin Isidoro para sa gaganaping Blood Donation Drive sa Pebrero 15, 2025 (Linggo) sa Municipal Activity Area, bilang suporta sa mga programang pangkalusugan sa bayan.

Ang seremonya ay dinaluhan ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan, mga Department at Unit Heads, ang DILG Family, at mga kawani ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños, bilang patunay ng pagkakaisa at sama-samang paglilingkod para sa bayan ng Los Baños.

#WeeklyFlagRaisingCeremony

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 354 Total Views

Related:


;