MENU
Philippine Standard Time:
Lakbay Los Baños Heritage Walk with Kaohsiung Medical University (Taiwan) and University of the Philippines Open University (UPOU) students (February 6, 2026)
Published date: Feb 6, 2026
Lakbay Los Baños Heritage Walk with Kaohsiung Medical University (Taiwan) and University of the Philippines Open University (UPOU) students (February 6, 2026)

Ginanap nitong Pebrero 6, 2026 (Biyernes) ang Lakbay Los Baños Heritage Walk na dinaluhan ng mga mag-aaral mula sa Kaohsiung Medical University (Taiwan) kasama ang mga estudyante ng University of the Philippines Open University (UPOU) bilang bahagi ng kanilang Civic Welfare Training Service (CWTS). Ang aktibidad ay inorganisa ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon sa pamamagitan ng Municipal Tourism Office.

Sa pamamagitan ng isang makabuluhan at interaktibong karanasan, naipakilala sa mga kalahok ang mayamang kasaysayan, kultura, at pamanang lokal ng Los Baños. Ang paglalakbay ay nagsilbing buhay na silid-aralan kung saan higit na naunawaan ng mga mag-aaral ang kahalagahan ng pangangalaga sa heritage sites at ang papel ng komunidad sa pagpapanatili ng kasaysayan.

Ang Lakbay Los Baños Heritage Walk ay hindi lamang nagpalakas ng turismo at edukasyon, kundi nagpatibay din ng ugnayan ng lokal at internasyonal na institusyon, bilang bahagi ng patuloy na adhikain tungo sa isang mas bukas, nagkakaisa, at umaabanteng bayan ng Los Baños.

 

#LakbayLosBaños

#HeritageWalk

#KaohsiungMedicalUniversity

#UPOpenUniversity

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 363 Total Views

Related:


;