MENU
Philippine Standard Time:
Los Baños Child Development Center (CDC) Field Demonstration 2026 showcased early childhood education (February 6, 2026)
Published date: Feb 6, 2026
Los Baños Child Development Center (CDC) Field Demonstration 2026 showcased early childhood education (February 6, 2026)

Nakisaya si Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon sa Los Baños Child Development Center (CDC) Field Demonstration 2026 na ginanap nitong Pebrero 6, 2026 (Biyernes) sa CPP Memorial Stadium and Evacuation Center. Buong pagmamalaking ipinamalas ng mga mag-aaral ang kanilang talento, disiplina, at mga natutunan sa pamamagitan ng makukulay at makabuluhang pagtatanghal na nagbigay-sigla sa buong programa. Ang  Field Demonstration ay nagsilbing patunay ng kahalagahan ng early childhood education sa paghubog ng pundasyon ng kaalaman, karakter, at kakayahan ng mga batang Los Bañense. Sa bawat sayaw, awit, at presentasyon, naipakita ang kanilang pagkatuto sa isang masaya at ligtas na kapaligiran.

Ang matagumpay na aktibidad ay bunga ng sama-samang pagsisikap ng mga guro ng CDC, kawani, at mga magulang, katuwang ng lokal na pamahalaan sa patuloy na pagsusulong ng de-kalidad na edukasyon at paglikha ng isang mas masaya, ligtas, at makabuluhang karanasan para sa bawat kabataang Los Bañense.

#LosBañosChildDevelopmentCenter

#FieldDemonstration2026

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 539 Total Views

Related:


;