Just Beginnings Learning Corp. educational visit highlighted youth engagement with local governance in Los Baños (February 6, 2026)
Magiliw na tinanggap ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon ang mga mag-aaral ng Just Beginnings Learning Corp. sa kanilang pagbisita sa kanyang tanggapan nitong Pebrero 5, 2026 (Miyerkules) bilang bahagi ng kanilang asignaturang “Community Leaders at Their Workplace.”
Sa kanilang pagdalaw, personal na nagbahagi si Mayor Nocon ng mga educational posters na layuning makatulong sa pagpapalawak ng kaalaman at mas malalim na pag-unawa ng mga mag-aaral sa tungkulin ng lokal na pamahalaan. Bilang tanda ng pasasalamat at pagbibigay-inspirasyon, bawat mag-aaral ay tumanggap din ng munting laruan na nagsilbing alaala ng isang makabuluhang karanasan na puno ng saya, aral, at pag-asa.
Ipinakita ng aktibidad ang patuloy na pagbibigay-halaga ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa edukasyon at sa kabataang Los Bañense, bilang bahagi ng mas malawak na adhikain na hubugin sila bilang mga responsableng lider at tagapagtaguyod ng kinabukasan ng bayan.
#CommunityLeadersAtTheirWorkplace
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
