Municipal Social Pension 3rd and 4th Quarter Payout successfully conducted across 14 Barangays ofLos Baños (February 3, 2026)
Ang Municipal Social Pension 3rd and 4th Quarter Payout ay isinagawa ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon, sa pamamagitan ng Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA) nitong Pebrero 3, 2026 (Martes) para sa mga senior citizens mula sa 14 barangay ng Los Baños.
Upang masigurong maayos, episyente, at accessible ang pamamahagi ng benepisyo, ginanap ang payout sa iba’t ibang lugar sa buong bayan. Kabilang sa mga naging venue ang CPP Memorial Stadium and Evacuation Center, Malinta Covered Court, Anos Covered Court, Bayog Covered Court, Batong Malake Covered Court, Tuntungin Covered Court, San Antonio Gymnasium, Maahas Covered Court, Bambang Covered Court, Lalakay Barangay Hall, at Tadlac Covered Court.
Bahagi ito ng patuloy na mga hakbangin ng lokal na pamahalaan upang matugunan ang pangangailangan ng ating mga minamahal na senior citizens at kilalanin ang kanilang mahalagang ambag sa komunidad, bilang katuwang sa pagbuo ng isang inklusibo at tunay na mapagkalingang bayan.
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
