Tuntungin-Putho Tigers Baseball Team honored in courtesy visit with Mayor Nocon (February 2, 2026)
Mainit na tinanggap ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon ang Tuntungin-Putho Integrated National High School Tigers Baseball Team sa kanilang courtesy visit sa kanyang tanggapan noong ika-2 ng Pebrero 2026 (Lunes). Ang koponan ay kampeon sa Division Integrated Athletic Meet Baseball Competition at nakatakdang kumatawan sa lalawigan ng Laguna sa Regional Integrated Athletic Meet na gaganapin mula Marso 7 hanggang 14, 2026. Ang kanilang tagumpay ay bunga ng matinding pagsasanay, disiplina, at dedikasyon na nagbigay ng karangalan hindi lamang sa kanilang paaralan maging sa buong bayan
Pinuri ni Mayor Nocon ang kabataan sa ipinamalas nilang sipag at determinasyon, at hinikayat silang ipagpatuloy ang kanilang galing sa nalalapit na rehiyonal na kompetisyon. Ipinahayag din niya ang buong suporta ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa kanilang hangaring maitaas ang pangalan ng Laguna sa mas mataas na antas ng paligsahan.
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
