Executive Brief of UPLB, Bayi, and MGLB for the BAYI: Transformative Feminist Leadership Program for Women in Los Baños, Laguna promoted inclusive governance (February 3, 2026)
Isinagawa nitong Pebrero 3, 2026 (Martes) sa Municipal Conference Room ang Executive Brief ng University of the Philippines Los Baños (UPLB), Bayi, at Pamahalaang Bayan ng Los Baños (MGLB) kaugnay ng BAYI: Transformative Feminist Leadership Program for Women in Los Baños, Laguna.
Sa gabay at suporta ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon sa pamamagitan ng Gender And Development Office (GAD), Municipal Planning and Development (MPDO), katuwang and opisina nila Queenshala Leren Mae Bautista, Konsehala Mec Dizon, at Konsehala Myla Alinsunurin ay tinalakay at napagkasunduan sa pulong ang Angat Bayi Women’s Political Empowerment Fellowship Program, na naglalayong palakasin ang kakayahan ng kababaihang lider sa antas munisipyo sa pagsusulong ng people-centered, rights-based, gender-responsive, inclusive, at sustainable development.
Tinalakay rin ang mga layunin, target participants, at implementasyon ng programa na nakatuon sa pagpapalakas ng leadership skills ng kababaihan sa Los Baños. Kabilang sa mga kalahok ang kababaihang LGU servants, barangay leaders, women’s organizations, at sectoral representatives kabilang ang PWDs. Ilalatag ang programa sa pamamagitan ng orientation at stakeholder engagement, leadership training, mentoring at knowledge sharing, at pormalisasyon sa pamamagitan ng MOA.
Ang inisyatibang ito ay malinaw na pagpapahayag ng nagkakaisang paninindigan ng UPLB, Bayi, at Pamahalaang Bayan ng Los Baños na palakasin ang boses, kakayahan, at pamumuno ng kababaihan tungo sa isang inklusibo, makatarungan, at tunay na makabuluhang pamamahala sa bayan ng Los Baños.
#TransformativeFeministLeadershipProgram
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
