Los Baños Sunset at the Park feat. Rendel, Rannie, and Jasmine (January 30, 2026)
Isang dapithapong hitik sa musika at saya ang hatid ng Los Baños Sunset at the Park nitong Enero 30, 2026 (Biyernes) sa General Paciano Rizal Park, sa ilalim ng masiglang pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon.
Habang unti-unting lumulubog ang araw at pinapalamutian ng ginintuang liwanag ang parke, nagsama-sama ang mga mamamayan ng Los Baños upang magpahinga, magdiwang, at magsalo-salo sa isang takipsilim ng aliwan at pagkakaisa. Lalong pinasigla ang programa ng mga kahanga-hangang pagtatanghal nina Rendel, Rannie, at Jasmine, na nagbigay-buhay sa entablado sa pamamagitan ng kanilang talento at husay sa musika, hatid ang awitin na tumimo sa puso ng bawat isa.
Tunay ngang sa Los Baños Sunset at the Park, ang bawat hapon ay nagiging pagkakataon upang magsama-sama, magbahagi ng saya, at ipagdiwang ang bayang nagkakaisa.
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
