Ugnayan: Serbisyong Diretso sa Tao Program (Batch 2) with Day Care students of the 14 barangays of Los Baños (January 31, 2026)
Nag-uumapaw pa rin ang kagalakan sa pagpapatuloy ng programang Ugnayan: Serbisyong Diretso sa Tao ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños, sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, na isinagawa nitong Enero 31, 2026 (Sabado) sa CPP Memorial Stadium and Evacuation Center.
Kasabay ng ikalawang bahagi ng programa, nakiisa ang mga day care students mula sa 14 na barangay ng Los Baños sa isang makulay at masayang selebrasyon bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-56 na kaarawan ng Punong Bayan. Sa pamamagitan ng mga handog, sorpresa, at simpleng programa, naipadama ang tuwa sa mga bata kasama ang kanilang mga guro at magulang, na lalong nagbigay-buhay sa diwa ng pagkakaisa at malasakit sa komunidad.
Makikita sa mga ngiti ng kabataan ang bunga ng isang pamumunong may pusong naglilingkod at serbisyong tunay na diretso sa tao. Ang ganitong mga pagtitipon ay patuloy na nagpapatunay na ang malasakit at presensya ng pamahalaan ay may direktang epekto sa kasiyahan at kapakanan ng bawat pamilyang Los Bañense. Maraming salamat, Mayor Neil! Maligayang kaarawan po!
#UgnayanSerbisyongDiretsoSaTao
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
