MENU
Philippine Standard Time:
Ugnayan: Serbisyong Diretso sa Tao Program (Batch 1) with RIC students (January 31, 2026)
Published date: Feb 2, 2026
Ugnayan: Serbisyong Diretso sa Tao Program (Batch 1) with RIC students (January 31, 2026)

Puno ng saya ang programang Ugnayan: Serbisyong Diretso sa Tao, handog ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon nitong Enero 31, 2026 (Sabado) sa CPP Memorial Stadium and Evacuation Center na naglalayong ilapit ang mga serbisyo ng pamahalaan sa bawat mamamayan, lalo na sa sektor ng kabataan at edukasyon.

Kasabay ng programang ito ay ipinagdiwang ng ika-56 na kaarawan ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon, na kanyang piniling ipagdiwang hindi para sa sarili, kundi bilang isang handog ng pasasalamat at pagmamahal sa komunidad. Sa halip na personal na selebrasyon, nagbigay ang Punong Bayan ng mga sorpresa at biyaya sa unang batch ng mga mag-aaral mula sa Rural Improvement Club (RIC), kasama ang kanilang mga guro at magulang, patunay na ang tunay na diwa ng kaarawan ay ang pagbabahagi at paglilingkod.

Makikita sa mga ngiti at kagalakan ng mga bata at kanilang mga pamilya ang bunga ng isang pamumunong may malasakit, may pakikipag-ugnayan, at may serbisyong tunay na diretso sa tao; isang pamumunong nagpapahalaga sa kinabukasan ng kabataan at patuloy na nagpapatibay ng ugnayan sa mamamayan.

 

#UgnayanSerbisyongDiretsoSaTao

#RuralImprovementClubLosBaños

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 394 Total Views

Related:


;