Weekly Flag Raising Ceremony (1st Monday of February 2026)
Sa unang Lunes ng Pebrero 2026, ang Lingguhang Flag Raising Ceremony sa Pamahalaang Bayan ng Los Baños ay pinangunahan ng Municipal Civil Registry Office (MCRO) sa pamumuno ni Acting Municipal Civil Registrar Jeanette Mundin-Palisoc. Sa kanyang ulat, ibinahagi niya ang mahahalagang accomplishments ng tanggapan, kabilang ang patuloy na pagpapabuti ng civil registration services at ang mga programang naglalayong mapalapit ang mga serbisyong ito sa mamamayan. Ibinahagi rin nya ang mga aktibidad kaugnay ng pagdiriwang ng ika-36 na Civil Registration Month ngayong Pebrero, na may temang “Navigating the Future Together: Advancing CRVS in Shaping the Global and Regional Data Ecosystem.” Binibigyang-diin ng selebrasyong ito ang mahalagang papel ng Civil Registration and Vital Statistics (CRVS) sa pagbuo ng maaasahan at napapanahong datos na nagsisilbing pundasyon ng maayos na pagpaplano, pamamahala, at pag-unlad ng komunidad.
Ang seremonya ay dinaluhan ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan, mga Department at Unit Heads, ang DILG Family, at mga kawani ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños bilang patunay ng patuloy na pagkakaisa at suporta sa mga adhikaing nagpapalakas sa mahusay at makabagong serbisyo publiko.
Sa patuloy na pagtutulungan ng bawat tanggapan, nananatiling matatag ang Pamahalaang Bayan sa hangaring makapaghatid ng umaabante at serbisyong diretso sa tao para sa bawat mamamayan ng Los Baños.
Related:
-
Most Viewed Article
