MENU
Philippine Standard Time:
Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) regular meeting reinforced disaster preparedness and response systems (January 29, 2026)
Published date: Jan 30, 2026
Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) regular meeting reinforced disaster preparedness and response systems (January 29, 2026)

Ginanap ang regular na pagpupulong ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños nitong Enero 29, 2026 (Huwebes) sa Municipal Conference Room, Los Baños, Laguna, Philippines, sa gabay at suporta ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon.

Sa nasabing pagpupulong, tinalakay ang mga naging accomplishments ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) para sa CY 2025, kabilang ang mga naisagawang training, emergency response operations, at mga programang nagpapaigting sa kahandaan ng bayan sa anumang sakuna. Inilahad din ang plano para sa First Quarter Training ng mga responders na naglalayong higit pang palakasin ang kanilang kakayahan, koordinasyon, at mabilis na pagtugon sa mga emergency.

Tinalakay rin ang reprogramming ng MDRRM Fund kabilang ang current, trust, at continuing funds upang matiyak ang tama, episyente, at napapanahong paggamit ng pondo para sa disaster preparedness at response initiatives. Sa pamamagitan ng patuloy na koordinasyon at malinaw na direksyon, muling pinagtibay ng MDRRMC ang layunin nitong magkaroon ng isang ligtas, handa, at matatag na Los Baños sa harap ng anumang hamon at sakuna.

#MDRRMCregularmeeting

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 1189 Total Views

Related:


;