MENU
Philippine Standard Time:
Local Committee on Anti-Trafficking and Violence Against Women and their Children (LCAT-VAWC) Los Baños meeting intensified protection for women and children (January 27, 2026)
Published date: Jan 27, 2026
Local Committee on Anti-Trafficking and Violence Against Women and their Children (LCAT-VAWC) Los Baños meeting intensified protection for women and children (January 27, 2026)

Bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng isang ligtas at makataong bayan, isinagawa nitong Enero 27, 2026 (Martes) sa Municipal Conference Room ang pagpupulong ng Local Committee on Anti-Trafficking and Violence Against Women and their Children (LCAT-VAWC) ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños, sa pangunguna ni Punong Bayan at Chairperson Hon. Neil Andrew Nocon. Dinaluhan ito ng mga kasapi ng komite, mga kinatawan mula sa iba’t ibang national government agencies, civil society organization (CSO) representative, at mga barangay VAWC officers.

Inilahad at tinalima dito ang mga update sa case monitoring at referral upang mas mapabilis at mapahusay ang pagbibigay ng tulong sa mga biktima, ang reorganization ng LCAT-VAWC para sa mas epektibong koordinason at pagpapatupad ng mga programa, gayundin ang mga nakaplanong capacity-building at trainings para sa CY 2026 na layong palakasin ang kakayahan ng mga frontliners at katuwang ng pamahalaan.

Binigyang-diin ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pagtitipon ang patuloy at matatag nitong pangako sa pangangalaga ng karapatan, dignidad, at kaligtasan ng kababaihan at kabataan, gayundin sa pagpapalakas ng mga hakbang laban sa lahat ng anyo ng karahasan at pang-aabuso sa bayan ng Los Baños.

#LCATVAWC

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 426 Total Views

Related:


;