MENU
Philippine Standard Time:
Municipal Council for the Protection of Children (MCPC) regular meeting in Los Baños, strengthened child protection programs (January 27, 2026)
Published date: Jan 27, 2026
Municipal Council for the Protection of Children (MCPC) regular meeting in Los Baños, strengthened child protection programs (January 27, 2026)

Isinagawa ang regular na pagpupulong ng Municipal Council for the Protection of Children (MCPC) sa Municipal Conference Room ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños nitong Enero 27, 2026 (Martes) sa pangunguna ni Hon. Mayor and Chairperson Neil Andrew Nocon na dinaluhan ng mga kasapi mula sa iba’t ibang tanggapan, child representatives, at CSO representatives. Tinalakay sa pagpupulong ang Accomplishment Report ng LCPC para sa FY 2025 bilang bahagi ng pagsusuri sa mga proyekto para sa kapakanan ng mga kabataan. Kasama rin sa agenda ang pag-apruba sa Child Protection Policy na isang mahalagang hakbang upang masiguro ang ligtas at maayos na kapaligiran para sa lahat ng bata, at ang review at pag-apruba ng Comprehensive Local Juvenile Intervention Plan (2026–2029), na naglalayong higit pang mapaunlad ang mga programa at interbensyon para sa kabataang nangangailangan ng suporta at gabay.

Sa pamamagitan ng pagpupulong na ito, muling pinatunayan ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños ang malasakit at determinasyon sa pagtataguyod ng karapatan, proteksyon, at kabutihan ng mga bata, kasabay ng pagtitiyak na ang mga patakaran at programa ay naaayon sa makabago at komprehensibong pamantayan.

#MunicipalCouncilForTheProtectionOfChildren

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 598 Total Views

Related:


;